Onlayn vs. Tradisyunal na Pagtataya sa Filipino ng mga Pling Mag-aaral sa Baitang 7: Batayan sa Pagmumungkahi ng Epektibong Pagtataya sa FIlipino

Type
Thesis
Authors
 
Category
 
Publication Year
2022 
Pages
46 pages 
Abstract
Bene
Bene Deck
Nakatuon ang pananaliksik na ito sa onlayn vs. tradisyunal na pagtataya sa Filipino ng
mga piling mag-aaral sa baitang 7 sa Paaralang Sckundarya ng Quirino sa Lungsod Quezon.
Nilalayon nitong mataya ang epektibong pamamaraan sa pagtataya at makapagmungkahi ng
cpektibong paraan ng pagtataya o pagsusulit gayundin upang mataya ang pagkatuto ng mga
mag-aaral gamit ang mga inihanda at itinurong aralin ng mananaliksik na sumasaklaw sa
ikatlong markahan. Pinuntahan ng personal ng mananaliksik sa kani-kaniyang mga tahanan
ang mga mag-aaral na kabilang sa tradisyunal na pagtataya (paper and pencil tests) na
kinakailangang sumagot ng paunang pagsusulito pretest at pangwakas na pagsusulit o pos
test, samantala ang mga mag-aaral na kabilang naman sa onlayn na pagtataya (online tests)
ay sumagot ng paunang pagsusulit o pretest at pangwakas na pagsusulit o post test gamit ang
google form. Ginamit ng mananaliksik ang tatlumpung (39) na piling mag-aaral bilang
respondente sa Baitang 7-Faraday ng nabanggit na paaraian. Mayroong 27 bilang ng mga
kababaihan, samantala 12 bilang naman ng mga kalalakihan ang nasabing pangkat. Upang
maisagawa ito, gumamit ang mananaliksik ng ekperimental pretest at post test na disenyo.
Sinipat at sinuri ng mananaliksik ang mga nakuhang datos sa tulong ng MS Excel at IBM
SPSS. Mula rito, nalaman na mas mataas ang nakukuhang puntos o iskor ng pagsusulit ng
mga mag-aaral sa Baitang 7-Faraday gamit ang onlayn na pagtataya (online test) gamit ang
google form kaysa sa tradisyunal na pagtataya (paper and pencil test). Lumabas din sa pag-
aaral na parehong natututo ang mag-aaral sa Baitang 7-Faraday maging ito man ay
tradisyunal o onlayn. Batay sa kinalabasan ng nakalap na datos, iminumungkahi ng
mananaliksik na patuloy na gamitin ang parehas na kaparaanan sa pagtuturo at sa paraan ng pagtataya nito sapagkat ito naman ay nagpapakita ng pag-unlad sa pagkatuto ng mga mag-
aaral. Bukod sa ginamit na google form para sa pagsusulit, gumamit din ang mananaliksik ng
ms powerpoint sa pagtuturo ng araling panggramatika at panitikan, gumamit pa ng ibang
inobatibong estratehiya at aplikasyon sa onlayn na klase tulad ng quizziz at mentimer sa
ibang bahagi ng pagtuturo upang mas maganyak pa ang mga mag-aaral na makilahok at mag-
aral sa asignaturang Filipino.

Mga susing salita: tradisyunal, onlayn, pagtataya, Filipino, piling mag-aaral ng baitang7. 
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.