Kabisaan Ng Paggamit Ng Modyul Sa Pang-Akademikong Kakayahan Ng Mga Mag-aaral Sa Filipino Sa Piling Larang Sa Bagong Kadawyan

Type
Thesis
Authors
 
Category
 
Publication Year
2021 
Pages
80 
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo ng mga modyul para sa mga aralin ng
Pagsulat sa Piling Larang (Akademik) bilang kagamitang pampagtuturo at pampagkatuto ng mga guro at mag-aaral ng Senior High School. Ang mga modyul na ito ay nakabatay sa mga kasanayan na itinalaga ng Kagawaran ng Edukasyon sa Most Essential Learning Competencies
(MELCS) ng nasabing asignatura. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtataya sa bisa ng
paggamit ng mga nabuong modyul sa pang-akademikong kakayahan ng mga mag-aaral sa
Filipino sa Piling Larang sa panahon ng bagong kadawyan. Tatangkain nitong sagutin ang mga
tanong na:
1. Ano ang mean score ng mga mag-aaral bago at pagkatapos ng interbensyon?
2. Ilang porsyento ang pagkakaiba ng mean score bago at pagkatapos ng pagbibigay ng interbenson at
3. Mayroon bang mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng mean score bago at pagkatapos ng
isinagawang interbensyon. Gumamit ang mananaliksik ng two tailed t-test na desinyo sa pananaliksik upang mataya ang bisa ng paggamit ng modyul sa pang-akademikong kakayahan ng mga mag-aaral sa panahon ng bagong kadawyan. Magsisilbing instrumento ng pananaliksik ang pagsusulit na ginamit bilang pre-test at post-test. Ito ay binubuo ng 30-aytem na ibabatay sa nabuong talahanayan ng ispesipikasyon at inangkla sa mahahalagang kasanayang pampagkatuto para sa araling Filipino sa Piling Larang Akademik na inisyu ng Kagawaran ng Edukasyon.

Batay sa resulta, nagkaroon ng pagtaas sa mean ng post-test kung ikukumpara sa pre-test. Nagkaroon din ng mataas na porsyento sa pagkakaiba ng mean score ng dalawang
sinasagawang pagsusulit. Dahil dito, lumalabas sa pag-aaral na nging mabisa ang mga nabuong dyul na inihanda upang malinang at madagdagan ng mga kasanayan at kaalaman sa bagong daywan.

Mga Susing Salita: Most Essential Learning Competencies, modyul, two-tailed t-test, pre-test, post-test, mean score 
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.