Adopt-A-Student Tungo Sa Pagpapaunlad Ng Kasanayan Sa Pagbasa Ng Piling Mag-aaral Sa Grade 8 Ng North Fairview High School, Taong Panuruan 2019-2020

Type
Thesis
Authors
 
Category
 
Publication Year
2021 
Pages
54 
Abstract
Layunin ng pag-aaral na ito na tutukan ang mga mag-aaral na nangangailangan ng gabay sa pagbasa.
Ang pamamaraang ginamit para sa pag-aaral ay deskriptib. Sampung mag-aaral sa
Grade 8 na nagmula sa pangkat ng Struggling Reading Class ang naging respondente sa pag-aaral.
Ang resulta ay ibinuod batay pagpapabasa sa bung Grade 8 na may kabuuang dalawamput limang seksyon. Mula sa pagpapabasa ng limang guro sa Filipino, lumabas na ang
sampung mag-aaral na hindi nakababasa ay nagmula sa seksyon ng Integrity at Justice.
Ang instrumentong ginamit ay ang Checklist Assessment Chart na ibinatay pamamaraan ng International Schools Assessment (ISA) sa pagbuo ng reading materials.

Binibigyan interpretasyon ang nakalap na datos upang malaman ang lebel ng mga mag-aaral
Ang istatistikal na ginamit sa pag-aaral ay ang pagkuhang percentage upang matukoy ang lebel ng mag-aaral.
Matapos ang limang buwan na pagpapabasa sa sampung mag-aaral, lumabas na dalawa sa kanila ay nakapagpapantig, pito ang nakakabasa na ng talata at isa ang nakababasa na.
Ang mananaliksik ay naghain ng mga rekomendasyon; sa mga Guro ,pagbuo ng gabay
sa pagbasa ‚paggamit ng angkop na estratehiya, kagamitan, pagkakaroon ng Learning Action
Cell, Discussion, kolaborasyon, INSET at paglalaan ng Reading Center. Sa mga mag-aaral, malaman ang kanilang lebel upang mapaunlad ng lubos ang kanilang kakayahan. Maglaan ng oras at panahon upang mahasa ang kasanayan. Nagpaplano ng Kurikulum, bumuo ng angkop na estratehiya sa pagbuo ng gabay. Magkaroon ng pagsasanay sa mga guro. Sa Susunod na mananaliksik, ipagpatuloy ang pag-aaral upang matulungan ang mag-aaral at guro. 
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.