MGA GAWAIN SA PAGLINANG NG MGA KASAYSAYAN SA PAG-UNAWA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL SA IKATLONG BAITANG

Type
Book
Authors
 
Category
 
Publication Year
2022 
Abstract
Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na makabuo ng mga gawain sa pagbasa na
E4ganitan ng awtentikong kagamitan sa paglinang ng kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa
para sa mga mag-aaral sa Ikatlong Baitang ng Paaralang Elementarya ng Ponciano Bernardo.
Gagawing batayan ang mga kasanayan sa K-12 Most Essential Learning Competencies. Ang
mga awtentikong kagamitan ay gagawing lunsuran sa paglinang ng kasanayan sa pag-unawa
sa binasa.

Deskriptibo o palarawan ang gagamitin ng mananaliksik na naglalayong maghanda ng
1ba't ibang gawaing lilinang ng mga kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Ang mga
Sumusunod na panlarawang hakbang ang susundin ng mananaliksik sa paghahanda ng mga
gawain sa pagbasa: 1. Sarbey ng mga aklat at Kagamitang Panturo; 2. Pagtukoy sa mga
Kasanayan; 3. Pagsulat ng mga Gawain; 4. Pagtataya ng mga Gawain; at 5. Pagrebisa.

Batay sa resulta ng pag-aaral, nakita ang mga sumusunod: 1. Ang mga kasanayan sa
bawat gawain ay malinaw na nailahad at naaayon sa mga kasanayang nakapaloob sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) para sa Ikatlong Baitang. 2. Ang mga gawaing
inihanda ay napakahusay gamitin para sa mabilis na pagkatuto sapagkat ito'y humahamon at
lumilinang sa kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral. 3. Ang mga gawain ay
humikayat sa mga mag-aaral na mag-isip nang malalim dahil ang mga gawaing inihanda ay
naayon sa tunay na nangyayari sa kanilang kapaligiran.

Batay sa isinagawang pag-aaral, ang mananaliksik ay nagbigay ng mga sumusunod na
konklusyon: 1. Mas epektibo at makatotohanan ang paggamit ng mga awtentikong materyal
sa pagdedebelop ng kasanayan sa pag-unawa ng mga mag-aaral. 2. Angkop ang nabuong mga Mga Susing Salita:

Kagamitang Awtentiko, Kagamitang Pampagtuturo, Kasanayan, Pagbasa, Paglinang 
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.