SALOOBIN NG MGA MAG-AARAL SA UNANG BAITANG UKOL SA PAGGAMIT NG SINUSONG WIKA (MOTHER TONGUE) BILANG MIDYUM SA PAGTUTURO SA ASIGNATURANG MATEMATIKA NG MGA PILING PAARALAN SA LUNGSOD QUEZON

Type
Other
Authors
Manansala ( Rowena O. )
 
Category
 
Publication Year
2021 
Pages
85 pages 
Abstract
Pinakamabuting kasangkapan ng tao sa pakikipamuhay ang kasanayan at kahusayan sa paggamit ng wika. Sa pamamagitan nito ay maipapahayag ng isang tao ang kanyang naiisip, nadarama, nakikita't nararanasan sa lipunan ang kanyang ginagalawan. Dahil dito, higit na malapit sa tagumpay ang taong marunong at mahusay magsalita, sapagkat na ipaunawa niya nang lubos ang anumang nais niyang sabihin, ito'y nagpapatunay na kailangan ang wikang sarili na mauunawaan ng lahat ang wikang pambansang Filipino.
Ang wikang pambansa ay di lamang kasangkapan sa pakikipagtalastasan kundi nagsisilbing behikulo upang makamtan ang kaunlaran ng isang bansa. ANg wikang Filipino ay nagbubuklod at nagbibigkis sa bawat mamamayan upang magkaisa sa paggawa at lunggati tungo sa kaunlarang nilalayon.
Ang pag-aaral na ito ay magpapalawak sa kaisipan ng bawat mag-aaral sa kanyang sariling kultura at kapaligiran na siyang maghahatid sa tuktok ng tagumpay. Ang mga mag-aaral sa unang baitang ay magkakaroon ng tuwirang pagkatuto at interes sa pag-aaral ng asignaturang Matematika. Ang makapag-salita at makaunawa sa aralin ay patuloy na pag-ibayuhin pa at ang paggamit ng Sinusuong Wika o Mother Tongue sa pagtuturo ng Matematika at ng iba pang mga asignatura sa Paaralang Elementaryang Ramon Magsaysay at sa mga paaralang sakop ng Lungsod Quezon. Upang matugunan pa ang mga pangangailangan pang edukasyon ng bawat mag-aaral, maari pang gumamit ng mga estratehiyang pamaraan sa pagtuturo sa larangan ng Matematikang pagkatuto. 
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.