Ang epekto ng paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo ng matematika sa mababang paaralan ng Pasong Tamo

Type
Other
Authors
Avendaño ( Mariane Desiree C )
 
Category
 
Publication Year
2019 
Abstract
Ang pagpapairal ng sistemang K-12 ay isa s mga pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas noong administrasyong Aquino. Nilagdaan ng dating pangulong Benigno Aquino III ang Republic Act 10533 o Enhanced Basic Education Act of 2013 noong ika-5 ng Mayo 2013 na nagsasabatas ng bagong sistema K-12 sa Pilipinas. Nasasailalim sa sistema ng K-12 ang pag-aaral sa Kindergarten hanggang sa pang-12 na taon na basic education. Kabilang sa mga layunin ng pagpapatupad ng K-12 at pagdaragdag ng dalawang taon sa dating sistemang pang-edukasyon ng bansa ang pagbabasa ng kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang unang wika bilang medium sa pag-aaral.
Bago pa ipatupad ang K-12, napagtibay sa Konstitusyon ng 1987 ang dating 1974 Bilngual Education Program na nagsasaad na ang wikang Filipino at wikang Ingles ang dapat gamiting wika panturo habang ang wikang panrehiyon ang tatayo bilang auxilliary o pantulong na wika lamang. Gayunpaman, ilang pag-aaral ang nagpapakita na ang programang ito ay hindi mahigpit na naipapatupad. Bunga nito, noong 1966, ipinatutupad ng Commission on Higher Education ang CHED Memorandum
 
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.