Sanayang Webinar sa Filipino: Tugon sa Epektibong pagtuturo ng Filipino sa online Class sa Panahon ng Pandemya

Type
Thesis
Authors
 
Category
 
Publication Year
2022 
Pages
37 Pages 
Abstract
Binago ng pandemya hindi lamang ang usaping pangkalusugan kundi pati na ang perspektiba ng mga guro at mag-aaral sa larang ng edukasyon. Dulot ng suliranin sa face to face classes, maraming mga guro ang tumawid sa modang online at tinuklas ang mga bagong applications upang patuloy na maihatid and de-kalidad na edukasyon. Ngunit ang kagamitan ay hindi sapat kundi ang pagpapataas ng kaalaman at kasanayan sa mga learning applications. Ito ang layunin ng pag-aaral na ito, ang makapagsagawang sanayang webinar sa Filipino bilang tugon sa epektibong pagtuturo sa FIlipino sa online class sa panahon ng pandemya.

Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang sarbey gamit ang google form upang matukoy ang mga ginagamit at hindi pa nasusubukang mga online at offline applications. Mula rito ay napili ang mga paksa sa ginanap na webinar. Naging kalahok sa pag-aaral na ito ang 32 guro sa FIlipino ng Justice Cecilia Munoz Palma High School. Batay sa naging resulta ng pag-aaral, natuklasan na ang Padlet, Peardeck, Nearpod ang 3 pangunahing applications na hindi pa nasusubukang gamitin ng mga guro at mababa ang kanilang kasanayan. Matapos ang webinar, naging makabuluhan ang naging resulta ng tumaas ang mean scores ng mga guro sa panimula at panapos na pagsusulit bago at pagkatapos ng pagtalakay sa paksa. Natuto ang mga guro sa sanayang webinar na ipinakita ng mataas na mean difference sa panimula at panapos na pagsusulit. Naging positibo rin ang paglahok at pagtanggap ng mga tagatugon sa webinar dahil sa positibong ebalwasyon nito mula sa mga tagapagsalita, daloy ng programa, at nilalaman ng webinar. Naging epektibo ang webinar sa pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa mga guro na maarin namang maibahagi sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito bilang instrument at lunsaran sa pagtalakay ng mga paksa sa wika at panitikang Pilipino.

Mga Susing Salita: Webinar, Filipino, Epektibong Pagtuturo, Online Class, Pandemya 
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.