Pagbuo at Kabisaan ng E-Silid-Tanghalan sa Pagtuturo ng Ibong Adarna sa Filipino 7

Type
Other
Authors
Blancaflor ( Cecile )
 
Category
Digitization  [ Browse Items ]
Publication Year
2022 
Pages
37 pages. 
Subject
E-silid tanghalan, suplemental na kagamitang pampagtuturo at pampagkatuto, google sites, Ibong Adarna, makabagong teknolohiya at elektroniko 
Abstract
Ang pagaaral na ito ay naglayong makabuo at malaman ang kabisaan ng E-silid tanghlan sa Pagtuturo ng Ibong Adarna sa Filipino 7 bilang suplemental na kagamitang pampagkatuto ng mga piling mag-aaral na nasa online distance learning, Nakabuo ang mananaliksik ng E-silids-tangjlan sa mga paksang nakabatay sa mga kasanayan gamit ang google sites laman ang video ng pagtatanghal na shadow play, paper puppet show, video lesson, pagsasadula, mimesis, monologo, pagsasatinig ng mga ito ng mananaliksik ng eksperimental na metodo sa pag-alam ng kabisaan ng E-silid-tanghalan, sa pamamagitan ng pagtatalaga ng dalawang grupo ng tagatugon. Eksperimental para gamitin ang E-silid-tanghalan at kontrol upang turuan gamit ang modyul na parehong nasa online distance learning. Ang naging resulta ng istatistika sa pagsusuri ng mga pagsusulit ng mga grupo ng tagatugon ang batayan ng kabisaan ng nilikhang E-silid-tanghalan.
Gumamit ng mean at standard deviation upang masagot ang mga tanong sa paglalahad ng suliranin. Lumabas sa pagsusuri na tumaas ang mean iskor sa pagsusulit ng dalawang grupo ng tagatugon. Inilahad ng mga magaaral at ilang guro ang kanilang positibong pidbak sa paggamit ng E-silid-tanghalan tulad ng pagkatuto sa madaling paraan, mas mauunawaan, mas nakakaaliw, mas nakakapukaw ng interes, at lubos na nagpasalamat sa pagkakabuo at paggamit ng E-silid-tanghalan bilang kagamitang pampagkatuto na hindi kinakailangang maglaan ng mahabang panahon o oras upang maunawaan ang nilalaman nito. Ilan ito sa mga patunay na epektibo ang ginawang E-silid-tanghalan ng mananaliksik.
Naging rekomendasyon na paigtingin ang paglika ng iba pang kagamitang pampagkatuto na sasaklaw sa iba pang makrong kasanayan. Higit sa lahat, maglaan ng oras sa pagbuo, sa pag-isip ng mga kagamitang pampagkatuto na magpapataas ng interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral gamit ang makabagong teknolohiya at elektronikong sasabay sa kasalukuyang panahon. 
Description
37 pages : illustrations (colored), portrait ; 21 cm x 29.7 cm.
Action Research - Judge Feliciano Sr. High School, 2022
 
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.