Bisa ng Paggamit ng mga Elektronikong Kagamitan at Information and Communication Technology (ICT) sa Pagtuturo ng Filipino

Type
Thesis
Authors
Silaran ( Rolando S. Jr. )
Dablo ( Conchita A. )
 
Category
Information and Communication Technology  [ Browse Items ]
Publication Year
2022 
Pages
40 pages. 
Subject
birtwal na pagtuturo, elektronikong kagamitan, Information and Communication Technology (ICT) , internet, kagamitang Pampagkaturo, modular modality  
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang bisa ng paggamit ng mga elektronikong kagamitan at Information and Communication Technology (ICT) sa pagtuturo ng Filipino. Ang mga kalakahok sa pananaliksik na ito ay pinili gamit ang Random Sampling Teknik kung saan 70 na guro mula sa Lupang Pangako Elementary Schools Division Office ng Quezon City ang magsisilbing mga tagatugon sa surbey. Ang pag-aaral na ito ay ginanap ngayong taong pampaaralan 2021-2022. Ginamit ng pag-aaral ang paraang Descriptive Correlative method na tumutukoy sa pag tuklas ng koneksyon o degri kung saan magkakaugnay ang dalawang baryable. Ang mananaliksik ay gumawa at gumamit ng talatanungan upang makuha ang kinakailangang datos upang masagot ang mga problema sa pag -aaral.

Base sa Pananaliksik, karamihan sa mga nagtuturo ng asignaturang Filipino mula unang baitang hanggang sa ika-anim na baitang ay babae, nasa edad 41-50, may -asawa, may yunits sa masterado, 16-20 taon sa serbisyo, at karamihan ay nakadalo sa Pampaaralang seminar o pagsasanay sa Filipino. Ang laptop o desktop naman ang karamihang ginagamit ng mga guro na mga elektronikong kagamitan sa pagtuturo ng Filipino kahit sa ilalim ng modular modality. Naisasagawa at maisasakatuparan naman ng mga guro ang paggamit ng mga elektronikong kagamitan at ICT sa pagtuturo ng Filipino sa pamamagitan ng onlayn o birtwal na kamustahan sa mga mag aara. Naging mabisa rin ang paggamit nito sa mabilis na paghahanda ng mga ibat-ibang materyales o kagamitang pampagkatuto. Subalit hindi rin nakaiwas ang mga kaguruan sa mga suliranin sa paggamit ng mga elektronikong kagamitan/ICT tulad ng mahinang signal o koneksyon ng internet . Sa kabuuan, mabisa at malaking tulong ang mga elektronikong kagamitan / ICT sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.
 
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.